Operasyon ng MRT-3, tigil mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Simula bukas (Oktubre 31)  hanggang Nobyembre  2, ay suspendido ang ope­rasyon ng MRT-3.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay upang bigyang daan ang gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.

Nakapaloob sa  bushing replacement  ang 34.5-kilovolt alternating current switch gear na kukumpunihin para sa bus tie na nagdadala ng suplay ng kuryente mula sa  Meralco power sources sa Balin-tawak at Diliman  papuntang  depot.

Ayon sa DOTr , ang hakbang ay  bahagi ng malawakang rehabilitasyon  at maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries .

Ang naturang kumpan- ya mula Japan ang nakakon­trata sa maintenance works sa MRT-3.

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with