P1.3 milyong shabu nasabat sa 7 ‘tulak’
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Aabot sa P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga anti-drug operatives ng Southern Police District (SPD) sa pitong hinihinalang mga ‘tulak’ ng ilegal na droga na nadakip sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Parañaque City at Taguig City kamakalawa.

Sa ulat ng Parañaque Police Station, alas-8:20 ng Miyerkules ng gabi nang magkasa ang kanilang Station Drug Enforcement Unit ng operasyon sa tapat ng isang bahay sa isang bahay sa  may Ninoy Aquino Ave­nue sa Brgy. San Dionisio.

Dito nadakip makaraang kumagat sa pain ng mga pulis ang mga suspek na sina Dima Sayaat, alyas Penda, 28; Sabrin Polin-dao, 32, at si Richard Buenvenida, 39, negosyante.

Nakumpiska sa kani-lang posesyon ang 11 ma­lalaking plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 170 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1,156,000.

Nauna rito dakong alas-7:43 ng gabi nang ma­sa­kote sa operasyon ng Taguig City Police Station- Drug Enforcement Unit sa may No. 442 PNR Site, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan, ang mga drug suspek na sina Armando Bagain, 37; Kevin Lunzaga, 28; Vincent Zabala, 28 at Gilbert Esquivil, 37.

Anim na medium size plastic sachet na naglala­man ng tinatayang 27 gramo ng shabu na may halagang P183,000 ang nakumpiska sa kanila maging ang isang P500 marked money na ginamit sa ope­rasyon.

Nakaditine ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (

SPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with