^

Metro

LGUs, binalaan vs extortionists

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LGUs, binalaan vs extortionists
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, marami silang natatanggap na mga report mula sa DILG regional at field offices at mga LGUs na nakatanggap sila ng texts at tawag mula sa mga con-artists at impostor na nagpapanggap na senior DILG officials, siya o kanyang mga staff, at nag-aalok ng COVID-19 assistance at nanghihingi ng kapalit na pera.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Binalaan ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) ang mga local government executives laban sa panibagong sindikato ng mga extortionist na nagpapakilalang matataas na opisyal ng DILG na sinasabing aayusin nila ang emergency relief aid nito para sa CO­VID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, marami silang natatanggap na mga report mula sa DILG regional at field offices at mga LGUs na nakatanggap sila ng texts at tawag mula sa mga con-artists at impostor na nagpapanggap na senior DILG officials, siya o kanyang mga staff, at nag-aalok ng COVID-19 assistance at nanghihingi ng kapalit na pera.

“Pinapayuhan po natin ang ating mga LGUs at ang publiko na mag-ingat sa mga walanghiyang mandurugas na sindikato na nagpapakilalang DILG at nangingikil ng pera kapalit ng umano’y ayuda,” ani Malaya.

“Kahit po ang inyong lingkod ay ilang beses ng ginamit ang pangalan para makapanloko. Kailanman ay hindi tayo nanghihingi ng pera sa kahit sinong Mayor, Vice-Mayor, o kapitan kapalit ng serbisyo publiko na bi­nibigay ng DILG,” dagdag nito.

Sa isang report sa DILG ni Mayor Danilo M. Diamante ng Tuburan, Cebu, sinabi nito na siya ay nakatanggap ng tawag mula sa isang nagpakilalalang DILG Undersecretary.

Humihingi umano ang caller ng pera mula kay mayor para diumano sa shipping ng 1,500 kaban ng bigas na ibibigay bilang assistance sa kanyang bayan. Sinabihan din daw si Mayor Diamante na idiin ang isang SB member na sangkot sa ilegal na droga na pinabulaanan naman ng huli.

Nakatanggap din si Malaya ng report mula kay DILG CALABARZON Regional Director Ariel O. Iglesia, Mayor Rachel Ubana ng Lopez, Quezon, Mayor Nacional V. Mercado ng Maasin City, Southern Leyte at Mayor Melina Requinto ng Estancia, Iloilo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with