Manila North Cemetery, ikinandado na
Sa inilabas na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, alas-5 ng hapon ipinakandado ang gate ng naturang sementeryo na siyang pinakamalaki sa Metro Manila.
Boy Santos
Manila North Cemetery, ikinandado na
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ipinakandado na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga gate ng Manila North Cemetery bilang hudyat ng kanselasyon ng Undas ngayong taon dahil sa pandemya.

Sa inilabas na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, alas-5 ng hapon ipinakandado ang gate ng naturang sementeryo na siyang pinakamalaki sa M etro Manila. Bukod dito, kasabay ring isasara ang iba pang mga sementeryo at kolumbaryo sa siyudad.

Bilang pagsunod ito sa napagkasunduan ng mga Metro Mayors at kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagsasara ng lahat ng sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 upang maiwasan ang pagkalat pang lalo ng COVID-19 dahil sa inaasahang pagsisiksikan.

Una nang inabisuhan ni Moreno ang mga bibisita sa mga namayapang kaanak na maagang bumisita sa mga puntod mula pa noong Setyembre para hindi makipagsiksikan sa maraming tao ngayong Oktubre.

Muling bubuksan ang mga sementeryo sa Nobyembre 5 kung kailan maaari nang makabisita ang kaanak sa kanilang mga patay na nakahimlay.

Samantala, inireklamo naman ng mga tindero ng bulaklak sa Dangwa ang matumal na bentahan ngayon dahil sa kanselasyon ng Undas.  Sinabi ng mga tindero na bagsak presyo ng hanggang P100 ang kanilang mga paninda na epekto ng pan­demya.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with