^

Metro

12 government labs, ‘sasaluhin’ swab testing ng OFWs

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
12 government labs, �sasaluhin�  swab testing ng OFWs
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa ngayon ay mayroong 12 government laboratories ang pumalit sa PRC at nagtutulung-tulong sa pagsasagawa ng swab tests sa mga OFWs at seafarers na dumarating sa Terminals 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
AFP/Luis Acosta

Palit sa Red Cross

MANILA, Philippines  — Hindi na maaantala ang swab testing o RT-PCR tes­ting sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at seafarers sa bansa.

Ito’y sa kabila nang ginawang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa swab testing na charged sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) matapos na mabigo ang huli na bayaran ang utang nito na mahigit sa isang bilyon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa ngayon ay mayroong 12 government laboratories ang pumalit sa PRC at nagtutulung-tulong sa pagsasagawa ng swab tests sa mga OFWs at seafarers na dumarating sa Terminals 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng DOTr na bagama’t nagdulot ng pansamantalang pagkaantala sa pag-release ng mga resulta ang mga unang araw sa biglang paghinto ng Red Cross sa pagsasagawa ng swab test, dahil sa pagtutulungan, commitment at spirit of volunteerism ng iba’t  ibang ahensya ng gobyerno ay maayos nang natutugunan sa ngayon ang mga pangagailangan ng mga umuuwing OFWs, kasama na rito ang maibsan ang pabigat na malaking gastusin sa pagsasagawa ng swab test dahil libre itong ibinibigay sa mga OFWs at seafarers.

“Sinisiguro ng pamahalaan na tuluy-tuloy at walang-patid na ang pagsasagawa ng libreng swabbing para sa mga OFWs sa mga airports. Wala nang magiging balakid, gaya nang nangyaring insidente, sapagkat gobyerno na ang may hawak ng lahat ng aspeto nito,” anang DOTr.

Nabatid na kasalukuyang naglilingkod sa NAIA ang mga laboratory ng 1) Lung Center of the Philippines; 2) Philippine Genome Hospital; 3) PNP Crime Laboratory; 4) San Lazaro Hospital 4) Sta Ana Hospital; 5) UP National Institute for Health; 6) Dr. Jose N Reyes Memorial Hospital; 7) Jose B Lingad Memorial Hospital; 8)Las Piñas General Hospital; 9) Ospital ng Imus; 10) Research Institute for Tropical Medicine (RITM), 11) Philippine Children’s Medical Center (PCMC); at 12) Central Visayas Molecular Laboratory sa Cebu.

Anang DOTr, sa pa­ngunguna ng Department of Health (DOH), ang mga laboratoryong ito ay boluntaryong tumanggap ng kani-kanilang quota ng sample na ipo-proseso, ayon sa kanilang kakayahang makapaglabas ng swab test result sa loob ng 48-oras.

Walang atubili umanong tinanggap ng 12 mga laboratoryong ito ang hamon ng pagproseso sa humigit-kumulang 3,000 samples kada araw.

Sa ngayon, mayroon na umanong 21,238 OFWs ang natugunan ng mga government laboratory volunteers na agad namang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng Hatid Pro­binsya Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with