COVID-19 test sa Metro Manila bumagsak ng 30 porsyento
Sa pagtataya ng University of the Philippines-OCTA Research Team, nasa 40 pors­yento rin sa Metro Manila ang nabawas sa rami ng isinasagawang COVID-19 tests dahil sa pagkawala ng operasyon ng PRC.
Walter Bollozos, file
COVID-19 test sa Metro Manila bumagsak ng 30 porsyento
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dahil sa suspensyon ng isinasagawang RT-PCR test ng Philippine Red Cross (PRC), bumagsak ng 30 porsyento ang antas ng COVID-19 testing sa buong bansa sa kabila ng panawagan ng mas marami pang testing na isagawa ang pamahalaan.

Sa pagtataya ng University of the Philippines-OCTA Research Team, nasa 40 pors­yento rin sa Metro Manila ang nabawas sa rami ng isinasagawang COVID-19 tests dahil sa pagkawala ng operasyon ng PRC.

Pinakaapektado umano nito ang testing sa mga lungsod ng Quezon City, Manila, Pasig, Makati, Taguig, Pasay, Parañaque, Mandaluyong, Muntinlupa, San Juan, at bayan ng Pateros.

Apektado rin ang testing sa mga karating na lalawigan ng Rizal, Cavite, Batangas at Laguna.

Nag-umpisang tumigil sa operasyon ang mga laboratoryo ng PRC nitong Oktubre 11 dahil sa pagkabigo ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) na magbayad ng utang na higit P1 bilyon.  Dahil dito, tinataya ng OCTA experts na tataas ang kada araw na impeksyon ng 200 hanggang 300 kung hindi makapagti-test ang PRC.

“Without the testing facilities provided by the PRC, our isolation, quarantine, and contact tra­cing programs are crippled because the LGUs (local government units) do not know whether or not a person is infected with COVID-19 within the 24-48 hour time period required,” ayon sa mga eksperto.

Tanda ng pagiging krusyal ng mas mara­ming testing ay ang pagiging stranded ngayon ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga quarantine facilities sa Metro Manila dahil sa pagtigil ng PRC testing.

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with