Supplier ng solvent sa mga batang-kalye, tinodas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Patay ang isang lalaki na sinasabing supplier umano ng solvent sa mga batang-kalye sa Maynila makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa harap ng isang paaralan sa Tondo nitong Lunes ng hapon.

Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Reynante Ramos, 54, tricycle driver at residente ng Lacson St., Tondo, ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa tiyan at ibabang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Manila Police District – Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong ala-1:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng St. Paul Grade School sa Sta. Maria St., Tondo. Nakaupo ang biktima sa kanyang tricycle at naghihintay ng pasahero, nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang itim na Yamaha Mio na “for registration” ang plaka. Walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga salarin ang biktima saka mabilis na tumakas.

Isa sa anggulo na tinututukan ng pulisya ang onsehan sa ilegal na droga dahil sa kilalang drug user din umano ang nasawi bukod sa kaniyang pinagkakakitaan na pagbebenta ng solvent sa mga kabataan.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with