Cameroonian, itinumba sa Pasay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Isang lalaking Cameroon national ang binaril at napatay ng hindi  pa nakikilalang salarin sa tapat ng isang convenience store sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Divine Njua Komfum, 47, binata, at nanunuluyan sa Unit A Villa Vista Condo, sa Brgy. Sto. Nino, Parañaque City.  Agad namang tumakas ang salarin na inilarawan na nakasuot ng hoodie jacket, pantalon at face mask.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, naganap ang pamamaril dakong alas-12:15 ng madaling araw sa tapat ng isang convenience store sa kanto ng Arnaiz Street at Roxas Blvd, sa may Service Road sa brgy. 13 Zone 4, Pasay City.

Nabatid na naglalakad sa Arnaiz Street ang biktima habang gamit ang kaniyang mobile phone nang sundan ng salarin at biglang barilin nang malapitan sa ulo.  Agad na tumakas ang gunman sakay ng hindi mabatid na uri ng sasakyan habang rumesponde naman ang mga tauhan ng Pasay City Police ngunit inabutang wala nang buhay ang dayuhan.

Isang kaibigan ni Komfum ang dumating at sinabing may-ari ng isang bar sa Parañaque ang biktima.  Wala naman siyang maisip na motibo o may galit sa kaibigan para isagawa ang pamamaslang.

DIVINE NJUA KOMFUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with