^

Metro

Mga anak, pabakunahan!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga anak, pabakunahan!
Ayon kay Belmonte , pinaiigting pa ng lokal na pamahalaan ang vaccination efforts kahit may pandemic upang matiyak na ang mga kabataan sa lungsod ay mabakunahan para pangalagaan ang kanilang kalusugan.
STAR/ File

Giit ni Mayor Joy sa mga magulang

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga magulang na suportahan at makibahagi sa immunization prog­ram  ng pamahalaan para maprotektahan ang mga anak mula sa ibat-ibang uri ng sakit.

Ayon kay Belmonte , pinaiigting pa ng lokal na pamahalaan ang vaccination efforts kahit may pandemic upang matiyak na ang mga kabataan sa lungsod ay mabakunahan para pangalagaan ang kanilang kalusugan.

“Kahit may pandemya ngayon, hindi natin hahayaan na hindi mabigyan ng nararapat na bakuna ang ating mga anak na itinuturing nating nasa vulnerable sector,” pahayag ni Mayor  Belmonte.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Belmonte ang ­Quezon City Health Department (QCHD) na sundin ang mahigpit na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19  oras na magsagawa ng vaccination drives.

“We make sure that our city health workers follow the minimum health protocols and take extra precautions when giving vaccines. Hindi natin hahayaan na magkasakit ang ating vulnerable sector, as well as our frontli­ners, when doing our regular immunization drive,” dagdag ni Belmonte.

Ang isang bata na may 12 months old ay kailangang nabigyan na ng  Bacille Calmette-Guerin na bakuna laban sa Tuberculosis, 3 beses sa  Penta vaccine, 3 bakuna sa oral polio vaccine, at isang bakuna sa  inactiva­ted polio vaccine. Ibinibigay naman sa pagkapanganak na sanggol ang  Hepatitis B vaccine ,  measles vaccine  kapag  9 months old at 12 months old.

“Naiintindihan natin ang pangamba ng ilang magulang sa pagdala ng ating mga anak sa mga center. Pero sinisiguro ng lungsod na ligtas ito dahil sumusunod ang ating health care workers sa health protocols. The best way to prevent diseases from sprea­ding is through vaccines. It is our city’s responsibility to protect them from those,” dagdag ni Belmonte.

 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with