^

Metro

120 pamilya sa Muntinlupa inilikas dahil sa pagbaha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 120 pamilya o 502 indibiduwal na kinabibilangan din ng mga buntis, senior citizens at mga menor-de-edad ang inilikas ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management dahil sa mga pagbaha sa ilang lugar sa lungsod na dulot ng bagyong Quinta.

 Sa ulat ni Muntinlupa Public Informaion Office chief, Tez Navarro, pansamantalang dinala sa Poblacion co­vered court ang may 68 pamilya  habang sa Buli Covered Multi-Purpose Hall naman dinala ang nasa 46 pang pamilya  at sa Bayanan Baywalk covered court ang 6 pang pamilya.

 Ang medical team ng Brgy. Poblacion Health Center ay nagsagawa ng check-up at nagbigay ng libreng gamot sa mga evacuees  naman na dinala sa Muntinlupa Elementary School. 

Naglagay din ng breastfeeding station sa Poblacion evacuation center para sa mga nagpapasusong ina.

Kabilang naman sa binahang lugar ang Rizal, Aplaya at Quezon, Aplaya na umabot sa beywang ang baha dakong  alas-8:26 ng umaga.

Hanggang tuhod naman ang baha sa Levis Compound, Espeleta, Pantalan at Buli, Aplaya.

 

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with