^

Metro

2 criminology stude timbog sa marijuana

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang criminology student ang inaresto matapos na makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naaresto na sina Sebastine Kyle De Leon, 20,  ng Tondo, Manila at  Nazzer Meraji,  22, ng    Malate, Manila at kapwa 2nd year college sa kursong criminology.

Ayon kay Ylagan, nadakip ang dalawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcemen Unit (DDEU) sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng isang drug store sa Bonifacio Monument Circle, sa kahabaan ng EDSA, Caloocan City bandang ala-1 ng madaling-araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng mga dinakip.

 

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with