^

Metro

124K quarantine violators napalaya, higit 1K nakapiit pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
124K quarantine violators napalaya, higit 1K nakapiit pa
Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, sa ngayon ay may 1,751 na lamang ang natitirang bilanggo dahil sa paglabag sa quarantine protocols, dahil nahaharap ang mga ito sa iba pang kasong kriminal.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines  — Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na simula nang mag-umpisa ang pandemic nitong Marso ay umaabot na sa kabuuang 124,576 ang napalaya nilang quarantine violators sa buong bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, sa ngayon ay may 1,751 na lamang ang natitirang bilanggo dahil sa paglabag sa quarantine protocols, dahil nahaharap ang mga ito sa iba pang kasong kriminal.

Inaasahan naman aniyang makakalabas na rin ang mga ito ng bilangguan sa sandaling makapaglagak ng piyansa, o ipag-utos ng korte ang kanilang paglaya.

Batay sa datos ng Joint Task Force COVID Shield na isinumite sa DILG, simula Marso 17 hanggang Oktubre 23, kabuuang 489,044 katao ang lumabag sa quarantine regulations at curfew rules sa buong bansa.

Sa naturang bilang, 175,327 o 36% ang winar­ningan lamang habang 189,190 o 38% naman ang pinagmulta.

Sa 124,527 na inaresto at napalaya, nasa 89,870 o 72% ang kaagad na pinalaya ng PNP para sa regular filing habang 34,657 ang isinailalim sa inquest, at pinauwi na matapos makapagpiyansa.

Dagdag pa ni Malaya, ang 1,751 iba pang violators na nakapiit pa ay kumakatawan sa 1% ng kabuuang bilang ng mga violators ng community quarantine regulations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with