^

Metro

3 niratrat sa eskinita, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 niratrat sa eskinita, patay
Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nabatid na dakong alas-9:14 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa eskinita ng Livelihood St., Talanay Area C, Brgy. Batasan Hills, sa lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Isang lalaki at dalawang babae ang pinagbabaril hanggang sa masawi ng hindi na nakikilalang mga suspek sa Quezon City ka­makalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Jimel Donaire, 23, binata; Marites Betito, 47, housemaid; Raquel Madu­nga, 39,  pawang residente sa Livelihood St., Talanay Area C,  Brgy. Batasan Hills Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nabatid na dakong alas-9:14 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa eskinita ng  Livelihood St., Talanay Area C, Brgy. Batasan Hills, sa lungsod.

Ayon sa testigong si Lanie Landero, nasa loob siya ng kanilang tahanan ng makarinig siya ng sunud-sunod na putok na baril at sa kanyang paglabas ay bumungad ang mga duguang katawan ng mga biktima.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center at Qurino Memorial Medical Center sina Betito, Madunga at Donaire subalit idineklara silang dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng ‘di-pa batid na kalibre ng baril sa iba-ibang bahagi ng katawan. Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masu­sing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

CIDU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with