^

Metro

Active COVID-19 cases sa Parañaque bumaba na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Active COVID-19 cases sa Parañaque bumaba na
Sinabi ni Dr. Corazon L. Flores, head ng Metro Manila-Center for Health Development , na ang pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez at ang mga mi­yembro ng local Task Force COVID-19 at medical frontliners ay masusing naipatupad sa simula pa lang ng pandemya.
Edd Gumban

MANILA, Philippines  — Kinilala ng Department of Health (DOH) ang relentless campaign ng Parañaque City Government sa pagtugon sa COVID-19 dahil sa malaking ibinababa ng aktibong kaso sa lungsod.

Ito’y matapos bumagsak sa 94 ang active cases ng COVID-19 nitong Sabado (Oktubre 24).

Sinabi ni Dr. Corazon L. Flores, head ng Metro Manila-Center for Health Development , na ang pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez at ang mga mi­yembro ng  local Task Force COVID-19 at medical frontliners ay masusing naipatupad sa simula pa lang ng pandemya.

“For months, the City of Parañaque government has taken drastic actions to contain the virus and save as many lives as possible. They deserve to receive the COVID-19 Response Service Award from the DOH,” ani Flores.

Sa pinakahuling datos ng Parañaque Epidemio­logy and Surveillance Unit (CESU), may kabuuang 6,597 ang confirmed cases kung saan 6,337 o 96 pors­yento ang recoveries at 166 o 2.5% naman ang nasawi.

Nabatid na ang Barangay Vitalez ay zero COVID active case na mula sa naitalang 116 confirmed cases, na may isang nasawi habang ang Barangay Sun Valley ay may isa na lang na active case mula sa 526 confirmed cases.

Ang mataong Brgy. Bac­laran ay may 3 aktibong kaso, 352 ang gumaling tulad ng Brgy. San Dionisio na may 3 ding active cases mula sa 582 confirmed cases simula noong Marso.

Samantala, ang pinakamalaking subdibisyon, ang Brgy. BF Homes ay bumaba na rin sa 8 ang active cases mula sa 737 confirmed cases.

Saludo si Olivarez at pinuri ang mga sakripisyo at katapangan ng mga doktor, nars at iba pang frontliners sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Noong nakaraang linggo, hindi kabilang ang lungsod sa tinukoy ng University of the Philippines researchers bilang isa sa mga lugar na may peligro para sa nakamamatay na sakit sa mga lungsod sa Metro Manila dahil sa tumaas na average ng mga bagong kaso sa anim na linggo.

Isa ang lungsod sa may pinakamababang ranggo sa daily rate attack ng COVID-19 sa Metro Manila.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with