91% ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City, gumaling na
QUEZON CITY, Philippines — Iniulat ng Quezon City Government na 91% na ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ang gumaling na mula sa karamdaman.
Batay sa ulat ng QC government, hanggang Oktubre 25, 2020 ay 22,155 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 na na-validate ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Sa naturang bilang, 20,245 o 91% na ang total recoveries o gumaling na mula sa virus.
Nasa 1,282 o 6% pa ang nananatiling aktibong kaso habang 628 o 3% ang nasawi.
Mayroon din namang 19,325 ang suspected COVID-19 case sa mga contacts o nakahalubilo ng mga positive COVID-19 cases.
- Latest