^

Metro

2 importer ng smuggled agriculture products kinasuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice ang dalawang importers na umano’y nasa likod ng ilegal na importasyon ng mga produkong pang-agrikultura.

Tinukoy ng Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) ang mga kinasuhan na Santo Niño Marketmarket Co. (SNMC) at ang Navotas Fish Traders Association Market (NFTAM).

Sangkot umano ang SNMC sa ilegal na importasyon ng mga ‘squid balls, Peking duck, at pakpak ng manok, na hindi nakasaad sa kanilang deklarasyon.

Ang NFTAM, na grupo ng mga negosyanteng sa Navotas, ay sangkot din umano sa maling deklarasyon ng ‘frozen bonito (alumahan)’.

Nadiskubre ang mga ile- gal na shipment noon pang Oktubre 2019 sa Manila International Container Port ngunit ngayon lamang nakapagsampa ng kaso ang BOC matapos ang isang taon.

Ipinagmalaki ng BOC na may 41 nang kaso ang kanilang naisampa sa DOH laban sa mga importers at customs brokers dahil sa paglabag sa mga batas at regulasyon sa importasyon at customs.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with