700 police riders ikinalat sa Metro Manila
Ito’y kasunod naman sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan pa ang ‘mobile capability’ ng mga pulis sa mga lansangan sa Metro Manila upang tapatan ang riding-in-tandem na mga kriminal.
STAR/ File
700 police riders ikinalat sa Metro Manila
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Pantapat sa riding-in-tandem criminals

MANILA, Philippines  — Pinalakas pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Tactical Motorcycle Riding Units (TMRU) operatives nito matapos magdeploy ng mahigit 700 police riders sa Metro Manila.

Ito’y kasunod naman sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan pa ang ‘mobile capability’ ng mga pulis sa mga lansangan sa Metro Manila upang tapatan ang riding-in-tandem na mga kriminal.

“ It is in consonance with President Rodrigo Duterte’s pronouncement to train and increase the mobile capabi­lity of police officers, to make Metro Manila streets safer to civilians “, pahayag ni NCRPO Director P/Major Gen. Debold Sinas lalo na ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Bilang hakbang, sinabi ni Sinas na binuhay ang PNP Marshalls Operatives in Motorcycles upang masawata ang mga kriminalidad na kagagawan ng riding-in- tandem.

Ang TMRU operatives , ayon pa kay Sinas ay magpapatrulya sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila na ang target ay ang mga riding-in-tandem na mga kriminal na sa kabila ng pandemya ay patuloy sa pambibiktima.

Nabatid na nagsagawa na rin ng workshop ang TMRU operatives para sa epektibong pagtugon sa mga insidente ng nakawan sa NCR na kinasasangkutan ng riding in tandem.

Binigyang diin ni Sinas na mahalaga ang presensya ng TMRU operatives sa pagpapalakas ng  ‘police visibility’ sa Metro Manila para mabawasan na rin ang iba pang uri ng street crimes.

“TMRU is a great help in the crime prevention and anti-criminality programs of NCRPO. We are doing a more strategized police intervention in order to deny opportunities for criminals at the same time imme­diately respond to any untoward incident in the streets of Metropolis,” ang sabi pa ni Sinas.

NCPRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with