^

Metro

Motorsiklo vs trak: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo vs trak: 1 patay, 1 sugatan
Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Ann Regilyn Salandanan, 30, habang sugatan naman ang kaniyang ama na si Nilo Paypon, 53, residente ng San Igancio St., Tondo.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Patay ang anak na babae habang sugatan ang ama na nagmaneho ng motorsiklo nang masagi ng kasabayang trailer truck sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Matimtiman Sts. sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si  Ann Regilyn Salandanan, 30, habang sugatan naman ang kaniyang ama na si Nilo Paypon, 53, residente ng San Igancio St., Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Public Information Office,  dakong alas-5:42 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa northward lane ng Mel Lopez, sa panulukan ng Matimtiman St.

Inaalam pa ang plaka ng tumakas na trailer truck para matukoy ang pagkilanlan ng driver na responsable sa pangyayari.

Sa inisyal na ulat,  ang Yamaha NMAX na minamaneho ni Paypon at ang trailer truck ay kapwa bumabagtas sa northbound lane ng Mel Lopez Blvd. nang pagsapit sa panulukan ng Matimtiman ay nasagi ang kanang  tagiliran ng motorsiklo dahilan para ito gumewang.

Kapwa nahulog sa motorsiklo ang mag-ama kung saan matinding pinsala sa ulo ang tinamo ni Ann Rigelyn na na­ging sanhi ng kanyang kamatayan habang sugatan naman ang kanyang tatay. at nahulog sa kalsada ang rider at putok ang ulo ng angkas na sumabog ang dugo sa pinagbagsakan.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with