Sementeryo bantay sarado sa PNP
Ayon kay PNP Chief P/General Camilo Pancratius Cascolan, dahilan sa pandemya ay isasara ang mga sementeryo sa araw ng Undas kaya asahan na maagang pagbisita ang mga tao para dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.
Miguel De Guzman / File
Sementeryo bantay sarado sa PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dahilan sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo, isang linggo bago ang Nobyembre 1 o UNDAS, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapairal ng ‘police visibility ‘ sa bisinidad nito partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief P/General Camilo Pancratius Cascolan, dahilan sa pandemya ay isasara ang mga sementeryo sa araw ng Undas kaya asahan na maagang pagbisita ang mga tao para dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Cascolan na upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao upang makaiwas na magkahawaan sa COVID-19, bago ang mismong araw ng Undas ay naglatag na sila ng preemptive mea­sures sa bisinidad ng mga sementeryo, lansangan at iba pang mga istratehikong mga lugar.

Una nang ipinag-utos ng Inter Agency Task Force (IATF) na isara ang mga sementeryo sa Undas dahilan sa COVID 19 pandemic kung saan sa Metro Manila ay isasara ito mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

Samantalang pahihintulutan naman ang pagbisita sa mga sementeryo ng mga indibiduwal mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 15.

Ayon kay Cascolan, dahilan sarado ang mga sementeryo sa mismong araw ng UNDAS ay may mga bibisita ng maaga o kaya naman ay palilipasin muna ang lockdown bago dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Bilang preparations, we will enforce to follow the protocols of IATF lalo na ‘yung social distancing and wearing of face mask and face shield but yes may mga kababayan tayo na maaring magpunta ilang araw bago ang UNDAS kaya nakaalalay pa rin kami para sa kanilang kaligtasan”, anang PNP Chief.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala si Cascolan sa publiko na mag-ingat sa paglabas   at tumalima sa health protocols para maiwasan na magkahawaan sa virus.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with