Miyembro ng NPA nalambat ng NCRPO
Sa ulat mula sa tang­­gapan ni NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, nakilala ang na-dakip na si Esteban Sergio Sales, alyas Waldo, construction worker, miyembro ng CTG, Exe­com, Kilusang Lara­ngang Guerilla (KLG 73), Bicol Region Party Committee (BRPC), miyembro ng Komite Seksiyon Sa Platon (KSPN 1), Komite On Section Sa Iskwad (KSSI 1), at tubong Brgy. San Roque, Sagñay, Camarines Sur.
The STAR/Edd Gumban, file
Miyembro ng NPA nalambat ng NCRPO
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 59-anyos na miyembro ng New People’s Army-Communist Terrorist Group (CTG) ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat mula sa   tang­­gapan ni NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, nakilala  ang na-dakip na si Esteban Sergio Sales, alyas Waldo,  construction worker, miyembro ng CTG, Exe­com, Kilusang Lara­ngang Guerilla (KLG 73), Bicol Region Party Committee (BRPC), miyembro ng Komite Seksiyon Sa Platon (KSPN 1), Komite On Section Sa Iskwad (KSSI 1), at tubong Brgy. San Roque, Sagñay, Camarines Sur.

Si Sales ay kabilang sa most wanted person-national level ay may patong sa ulo na P700,000. Natunton ito dakong ala-1:38 ng hapon sa Mars St., Sitio Pinalad, Centennial 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Isinilbi ng mga ope­ratiba kay Sales ang warrant of arrest sa kasong murder at maliscious mischief na inisyu ni Libmanan, Camarines Sur Regional Trial Court Branch 57 Presidng Judge Lore R. Valencia-Bagalacsa.

Si Sales ang akusado sa pagpatay sa isang German Berunga, isang rebel returnee at miyembro ng Citizen Active Auxiliary (CAA) noong Setyembre 3, 2000 sa Sitio Intra­muros, Barangay Panaytayan, Ragay, Camarines Sur.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with