6 sa 13 pumuga sa Caloocan, balik-kalaboso
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim sa 13 preso na pumuga sa Caloocan Detention Facility kama­kalawa ang nada­kip sa isinagawang follow up operation ng Caloocan City Police District.

Balik-kulungan sina Arnel Buccat, 19; Reymark Delos Reyes, 27; Mark Oliver Gamutia, 21;  Aldwin Jhoe Espila, 25, at Reynaldo Bantiling, 35;   at Justine Tejeros, 22.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, patuloy pa rin ang manhunt operation ng pulisya laban sa pito pang preso na kasama nilang pumuga.

Nabatid sa pamunu-an ng Caloocan City Po­lice, ang natakasang custodial facility ay inilaan para sa mga bilang­go na mayroon nang commitment order ng Korte para ilipat sa Caloocan City Jail (CCJ) ngunit dahil sa ang mga preso ay may sintomas ng COVID-19 ay isinailalim sila sa quarantine sa nasabing pasilidad.

Binutas ng mga preso ang pader ng kulungan.

Kaugnay nito, sasam­pahan ng kasong krimi­nal at admi­nis­tratibo ang dalawang sinibak na bantay nang makapuslit ang mga bilanggo.

CALOOCAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with