7 doktor, 1 nurse sa Fabella Hospital, positibo sa COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi muna tatanggap ng pasyente ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila umpisa nitong Biyernes makaraan na pitong doktor at isang nurse nila ang nagpositibo sa COVID-19.

“Ipinagbibigay-alam namin sa publiko, lalo na sa mga pas­yente namin at sa mga ibang pasyen­te na nagna-na­is sanang pumunta ng Fabella Hospital na  simula kahapon, itinigil muna namin ang admission both ng OB o mga pasyenteng buntis, pati na rin mga bata,” pahayag ni Dr. Diane Cajipe, public information officer ng ospital.

Kinumpirma ni Cajipe ang pagpositibo sa COVID-19 ng pito nilang mga doktor at isang nurse.  Kasalukuyang nasa ‘isolation’ na sila at nasa maayos na kundisyon naman dahil sa pawang mga ‘asymptomatic’.

Nabatid na lumabas ang resulta ng RT-PCR swab test ng mga healthcare employees nitong Huwebes kaya agad nagdesisyon ang pamunuan ng pagamutan na isara ito nitong Biyernes para bigyang-daan ang pagsasagawa ng pagtukoy sa kanilang mga nakasalamuha na pasyente at empleyado na isasailalim rin sa swab test.

Nagsagawa rin agad ng ‘disinfection’ sa pa-gamutan para ma­katiyak na hindi na kakalat pa ang virus.

Kanselado rin ang operasyon ng ‘outpatient division’ ng pa-gamutan maging ang mga laboratory ma-ging ang pagbibigay ng ibang serbisyo tulad ng ‘ultrasound at xray’.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with