13 preso sa Caloocan custodial facility, pumuga

Target na ngayon ng manhunt sina Martin Mama, 46; Gerrymar Petilla, 21; Hudson Jeng, 42; Aldwin Jhoe Espila, 25; Reymark Delos Reyes,27; Norbert Alvarez, 35; Mark Oliver Gamutia, 21; Jovel Toledo Jr., 27; Arnel Buccat,19; Raymond Balasa, 35; Reynaldo Bantiling, 35; Dunacao Aries, 28 at Tejeros Justine, 22.
The STAR/Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines  — Labintatlong preso mula sa Caloocan City Custodial Facility na pawang mga positibo sa rapid testing ang pumuga  mula sa detention facility kahapon ng madaling araw.

Target na ngayon ng manhunt sina Martin Mama, 46; Gerrymar Petilla, 21; Hudson Jeng, 42; Aldwin Jhoe Espila, 25; Reymark Delos Reyes,27; Norbert Alvarez, 35; Mark Oliver Gamutia, 21; Jovel Toledo Jr., 27; Arnel Buccat,19; Raymond Balasa, 35; Reynaldo Bantiling, 35; Dunacao Aries, 28 at Tejeros Justine, 22.

Ayon kay Caloocan City Police chief Col. Dario Menor, nangyari ang pagtakas dakong alas-4 ng madaling araw nang butasin ng mga preso ang pa­der ng kanilang selda. Bagama’t positibo ang resulta sa isinagawang rapid testing sa tumakas na mga preso hindi naman nangangahulugang positibo na nga sa COVID-19 ang mga ito.

Sa kuha sa CCTV, nakita ang pader na binutas ang bahagi ng concrete room na nagsisilbing kanilang detention cell.

Mayroong 31 indibiduwal sa loob ng custodial facility at nakatakdang ilipat sa Bureau of Jail Management and Peno­logy facilities.

Nabatid kay Menor na  may kabuuang 15 detainees ang nakatakas mula sa facility ng mga detainees  ngunit nahuli ang dalawa .

Ang iba sa detainees ay namalagi na ng 21 araw sa facility o lagpas sa 14 na araw na incubation period ng virus.

Simula noong Lunes ay dahan-dahan na palang  sinisira ang likurang pader ng kulu­ngan kung saan dalawang pulis lamang ang naka-istasyon at hindi napansin ang balak ng mga preso.

Show comments