Persona non grata tarpaulin, pinabaklas ni Yorme

“We don’t need those kind of shenanigans. Sana ipinambili na lang ng mask ‘yung ginastos sa tarpaulin at ipamahagi sa mga utaw (tao), nakatulong pa kayo,” ayon kay Manila Mayor Isko Moreno sa isang panayam.
Edd Gumban

MANILA, Philippines  — Kung si Manila Mayor Isko Moreno ang masusunod, mas nais niyang ipambili na lamang ng mga face masks ang ginastos sa pagpapagawa ng mga ‘persona non grata tarpaulins’ na kaniya nang ipinabaklas nitong nakaraang Miyerkules.

“We don’t need those kind of shenanigans.  Sana ipinambili na lang ng mask ‘yung ginastos sa tarpaulin at ipamahagi sa mga utaw (tao), nakatulong pa kayo,” ayon kay Moreno sa isang panayam.

Iginiit ng alkalde na hindi kailangan ngayon ng bansa ang naturang uri ng inilarawan niyang ‘toxic’ ngayong panahon ng pandemya.

“There is a pandemic, what we need is to continue to give hope to each and everyone, spread love and compassion.  Pilipino kapwa Pilipino ay magkaisa muna saka na ang politika sa gitna ng pandemya,” paliwanag ni Moreno. Kahit anong dami ng tarpaulin umano ang ikalat ay hindi ito makatutulong sa pagpapaluwag sa sitwasyon ng tao, dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na may tamang panahon para sa “political beliefs and gains” ngunit hindi ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, kung tutol dito si Mayor Moreno, wala namang nakikitang masama si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa ginawang paglalagay ng ilang Pinoy ng mga tarpaulin sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, na kumukondena sa terroristic actions at pang-aabuso ng  Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

“I believe that these tarpaulins are expressions or manifestations of citizens or certain groups that they are already fed up with abuses and atrocities perpetrated by the CPP/NPA/NDF (National Democratic Front),” ayon kay Año. Aniya pa, welcome sa kaniya ang naturang aksiyon ng mga mamamayan dahil nagpapaabot ito ng mensahe sa mga ito na hindi sila welcome sa Metro Manila. “As to the action of Mayor Isko Moreno, he must have his own reasons but I would encourage LCEs (local chief executives) to allow it. As I said, these tarpaulins are peaceful expressions of our people. If you are not a member of the CPP/NPA/NDF then you have nothing to worry about,” ani Año.  

Show comments