^

Metro

Curfew sa Makati sa Simbang Gabi, 3 oras na lang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Curfew sa Makati sa Simbang Gabi, 3 oras na lang
Gayunman, pagsapit ng Disyembre 16, 2020 ang curfew hours ay hanggang alas-3:00 ng madaling araw lang upang mabigyang-daan ang pagnanais ng mga Katoliko na makadalo sa Simbang Gabi.
Michael Varcas

MANILA, Philippines  — Ipatutupad sa Makati City ang tatlong oras lamang na curfew sa simula ng tradisyunal na Simbang Gabi upang makadalo sa misa ang Makatizens.

Kabilang ito sa updated guidelines ng Executive Order No. 25 ni Makati Mayor Abby Binay.

Samantala, simula naman ng Oktubre 20, 2020 (Martes), habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod, iiral naman ang apat na oras na curfew  na mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Gayunman, pagsapit ng Disyembre 16, 2020 ang curfew hours ay hanggang alas-3:00 ng madaling araw lang upang mabigyang-daan ang pagnanais ng mga Katoliko na makadalo sa Simbang Gabi.

Exempted naman sa curfew ang mga nagtatrabaho na may schedule ang pasok sa loob ng curfew hours, mga health worker, authorized government officials, sa mga lumalabas ng bahay dahil sa medical at humanitarian reasons, mga patungo sa airport para sa travel abroad, mga taong  ang trabaho ay nasa basic services at public utilities, mga tagadeliver ng pagkain at gamit, at essential workforce ng city government.

Hindi rin maaring lumabas ng bahay ang mga menor-de-edad maliban sa medical emergencies.

Ang mga establisimyento naman na nais mag-o­perate ng exclusive delivery services sa loob ng curfew hours ay kailangang  ilagay ito sa Notice of Re-opening at ang hintayin ang confirmation sa pamamagitan ng email mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

vuukle comment

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with