3-araw na tigil-operasyon , ipatutupad ng MRT-3 sa Undas
Ayon sa MRT-3, ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft ­Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
The STAR/Michael Varcas, File
3-araw na tigil-operasyon , ipatutupad ng MRT-3 sa Undas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Magpapatupad ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ng tatlong araw na  tigil-operasyon   ng kanilang mga tren ngayong Undas.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang shutdown ay sisimulan sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, 2020.

Ayon sa MRT-3, ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft ­Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.

Sa kabilang banda, ­ipagpapatuloy rin ang isinasagawang pagsasaayos at pagpapalit ng mga turnouts sa Taft Avenue station.

Nauna rito, noong Oktubre 1 ay iniakyat na ng MRT-3 ang train running speed nito sa 40kph mula sa dating 30kph.

Target nilang maitaas pa ito sa 50kph sa Nobyembre at 60kph sa Disyembre, oras na matapos ang pagsasaayos ng turnouts.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa bansang Hapon.

Ang MRT-3 ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, mula sa North Avenue, ­Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City.

 

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with