Higit P3 milyong pondo inilaan ng Makati City sa ‘Teacher Fellowship Program’
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nilagdaan ni Makati Ma­yor Abby Binay nitong Lunes ang isang memorandum of agreement (MOA) na naglalaan ng P3.28 milyong pondo para sa pagpapatupad ng Teach for the Philippines (TFP) Program para sa tatlong napiling public elementary schools.

Sa ilalim ng kasunduan kasama ang Department of Education, Makati City Schools Division (DepEd Makati) at TFP, Inc., ipapatupad ang programa sa dalawang magkasunod na school years – 2020 to 2021 at 2021 to 2022.

Anim na college gra­duates ang napili ng TFP upang maglingkod bilang Fellows sa partner schools sa Makati. Sasagutin ng lungsod ang allowance at gastusin sa trai­ning ng mga teacher fellow sa dalawang school years, kasama ang summer period sa pagitan nila.

Ang TFP naman ang magbibigay ng iba’t ibang kagamitan tulad ng sample lesson plans, assessments, grade tracking systems at instructional materials sa kanila.

Aktibong makikipagtulungan ang DepEd Makati sa TFP upang sila ay makabuo ng interactive classroom na huhubog ng kritikal at analitikong pag-iisip.

Kasama rin sa isinagawang virtual signing ce­remony sina Superintendent Carleen Sedilla ng DepEd Makati, TFP Chief Executive Officer Clarissa Isabelle Delgado, TFP chair Elizabeth Zobel de Ayala, Rita Riddle, city Education Affairs Director, at Margarita Delgado, Vice Chair ng TFP.

Layon ng fellowship program na magbigay ng trai­ning para sa mga guro at non-education majors upang sila ay maging “successful and transformatio­nal teachers”. Mayroon din itong research and development component na magsusulong ng science-based policies para sa edukasyon.

MOA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with