121 nagpositibo sa COVID-19 mass testing sa Maynila, susuplayan ng pagkain
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nasa 121 sa 4,830 katao na isinailalim sa libreng ‘targeted COVID-19 mass testing’ sa Maynila ang nagpositibo sa virus.

Dahil dito ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na bibigyan sila maging ang kanilang pamilya ng libreng supply ng pagkain habang nagpapagaling.

Matatandaan na inumpisahan ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Setyembre ang pagbibigay ng libreng COVID-19 test sa mga sektor na hindi kayang gumastos para dito.

Binigyang prayoridad ang mga tindero sa palengke; empleyado ng mga malls; jeepney, bus, tricycle at pedicab drivers; supermarket employees at hotel employees.

Sinabi ni Moreno na kahit libre na ang testing, may agam-agam pa rin ang mga Manilenyo na sumailalim dito dahil sa pangamba na kung sila ay magpositibo ay walang mapagkunan  ng pagkain ang kanilang pamilya habang sila ay nasa ‘isolation’ at nagpapagaling.

“As we speak today, ang inyong pamahalaang lungsod ay magdedeliver ng konting ayuda para masiguradong may makakain ang inyong mga pamilya,” pagtitiyak ni Moreno.

Nabatid na tig-iisang sako ng bigas at grocery items ang ipapamahagi sa bawat pamilya ng empleyadong nagpositibo sa ilalim ng isinasagawang libreng mass swab testing.

Kasunod nito, patuloy ang paghihikayat ng alkade sa lahat ng napapabilang na empleyado na magpa-test para na rin sa kapanatagan ng kanilang kalooban at ng kanilang pamilya.

“Focus on yourself. Magdasal kayo sa Panginoon Diyos. Tibayan ninyo ang inyong damdamin. Marami pong nabubuhay, posible na mailigtas kayo. Mas magaap na malaman at maagap ding medical attention, it would be better for you and your family na posible ninyong mahawaan,” dagdag ni Moreno.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with