Checkpoints palalakasin vs riding-in-tandem
Sa pulong-balitaan kahapon, inamin ni NCRPO Director Maj. Gen Debold Sinas na tumaas ang bilang ng krimen dulot ng ‘motorcycle ri­ding criminals’ mula nang ibaba ang lebel ng lockdown at mag-umpisang maglabasan ang mga tao.
AFP/Ted Aljibe
Checkpoints palalakasin vs riding-in-tandem
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Palalakasin  ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pagtatatag ng mga checkpoints sa iba’t ibang parte ng Kamaynilaan dahil sa inaasahan na lalo pang pagtaas ng mga krimen na kagagawan ng riding-in-tandem.

Sa pulong-balitaan kahapon, inamin ni NCRPO Director Maj. Gen Debold Sinas na tumaas ang bilang ng krimen dulot ng ‘motorcycle ri­ding criminals’ mula nang ibaba ang lebel ng lockdown at mag-umpisang maglabasan ang mga tao.

Dahil dito, nangako siya na palalakasin ang ‘police visibility’ at magpapakalat din ng sarili nilang ‘motorcycle units’ para hantingin ang mga kriminal na gamit ang motorsiklo sa krimen.

Sisitahin umano nila ang mga kahina-hinala na mga ‘riding-in-tandem’ upang maiwasan ang pagtaas pa ng krimen tulad ng naganap na bigla na lamang pamamaril sa isang lalaki sa Valenzuela City kamakailan na tinangay ang dalang pera at motorsiklo ng mga salarin.

Isa na sa mga suspek ang naaresto ng pulisya.  Nakatakdang sampahan ng kasong murder with robbery makaraang mabatid buhat sa misis ng biktima na bago ang pamamaslang ay nakatatanggap na ito ng ‘death threats’.

NCPRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with