MRT-3, nagtalaga ng marshals sa train stations
Ayon sa MRT-3, layunin nitong matiyak na mapapanatili ang kaayusan at masiguro na nasusunod ang mga health and safety protocols sa bawat istasyon, ngayong mas mara­ming pasahero ang pinapayagang makasakay sa bawat tren.
www.mrt3.com
MRT-3, nagtalaga ng marshals sa train stations
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nagtalaga ng mga station marshals ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa lahat ng istasyon ng kanilang mga tren.

Ito’y bunsod na rin nang pagtataas ng kanilang passenger capacity ng hanggang 30% simula noong Lunes, Oktubre 19.

Ayon sa MRT-3, layunin nitong matiyak na mapapanatili ang kaayusan at masiguro na nasusunod ang mga health and safety protocols sa bawat istasyon, ngayong mas mara­ming pasahero ang pinapayagang makasakay sa bawat tren.

“Sinisiguro ng mga station marshals na ayon sa itinakdang capacity ang bilang ng mga pasahero na sumasakay sa loob ng mga bagon ng tren,” anang MRT-3.

Matatandaang si­mula nitong Lunes ay itinaas na ang kapasidad ng mga tren sa 30% (124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set), mula sa dating 13% (51 na pasahero kada train car, 153 na pasahero kada train set).

Kaugnay nito, upang matiyak namang ligtas ang mga pasahero laban sa posibleng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang “7 Commandments” sa loob ng mga tren, batay na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan.

Kabilang dito ang mga palagiang pagsusuot ng face mask at face shield; bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; bawal kumain; laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation; laging magsagawa ng disinfection; bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon at laging sundin ang panuntunan sa physical distancing, o ang one-seat apart rule.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with