Bubuksang Skyway 3, ipapagamit ng libre sa Disyembre
Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na kumpiyansa siyang mabubuksan ang Skyway 3 dalawang buwan mula ngayon sa kabila ng tuluy-tuloy na pag-ulan at paglalagay ng aspalto.
STAR/File
Bubuksang Skyway 3, ipapagamit ng libre sa Disyembre
(Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Magkakaroon ng soft opening ang San Miguel Corporation (SMC) para sa kanilang nakumpletong 18-kilometer Skyway 3 expressway sa Disyembre kung saan bubuksan ito nang libre para sa mga motorista.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na kumpiyansa siyang mabubuksan ang Skyway 3 dalawang buwan mula ngayon sa kabila ng tuluy-tuloy na pag-ulan at paglalagay ng aspalto.

“We’re very proud and excited about this project, because it will truly make a big diffe­rence to so many people’s lives -- especially with our economy slowly opening up and with more vehicles coming back to our roads,” wika ni Ang.

Binuksan na ng SMC ang Buendia-to-Plaza Dilao section ng Skyway 3 kung saan libre itong nagagamit ng mga motorista nang walang binabayarang toll fees.

Inabot ng anim na taon para makumpleto ang proyekto dahil sa ilang isyu kagaya ng right-of-way at mga pagbabago sa disenyo.

Ikinokonekta ang South Luzon Expressway (SLEX) sa North Luzon Expressway (NLEX), ang Skyway 3 ay magsisilbi ring alternative sa EDSA.

Inaasahan dahil maaayos ang nararanasang trapik partikular sa EDSA kung saan malaking bilang ng mga sasakyan ang mababawas dahil sa proyekto.

SMC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with