2 Abu Sayyaf, tiklo ng NBI
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dalawang hinihina­lang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City.

Iprinisinta kahapon ni NBI Acting Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Jamar Ibi, alyas Bas, at Raden Jamil , alyas Tamiya.

Sinabi ni Distor na ang dalawa ay sangkot sa pagdukot sa mga miyembro ng Saksi ni Jehova sect noong 2002 sa Patikul, Sulu at nahaharap sa order of arrest na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention with ransom..

Unang nakatanggap ang NBI-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ng impormasyon ukol sa dalawang Abu Sayyaf na may alyas na Bas at Tamiya ang namataan sa Pasay City. Nang ipakita ang larawan ng dalawa sa isang saksi sa kidnapping, positibo niyang kinilala ang mga ito.

Dito nagsagawa ng ‘casing at surveillance operation’ ang NBI katuwang ang mga tauhan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Oktubre 12 nang unang madakip si Ibi habang sumunod na naaresto si Jamil nitong Oktubre 19 sa magkahiwalay na lugar sa Pasay.

Nakaditine sila ngayon sa NBI Detention Facility habang hinihintay ang disposisyon ng korte.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with