Prusisyon tigil muna sa Maynila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinakiusapan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga Manilenyo na huwag munang magsagawa ng anumang uri ng prusisyon sa siyudad habang umiiral pa rin ang pandemya.

Ito ay makaraang magdesisyon si Moreno na huwag na munang magsagawa ng prusis­yon maging sa darating na kapistahan ng Poon na Itim na Nazareno sa Enero 9 sa 2021.

Una nang nakipagpulong ang alkalde sa mga opisyal ng Simbahang Katoliko na sumang-ayon naman umano na huwag munang magdaos ng prusisyon ngunit wala pa ring pinal na desisyon ukol sa mga aktibidad para sa tradisyunal na Traslacion.

Muli namang magpupulong ang lokal na pamahalaan at ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo para pagplanuhan 2021 Tras­lacion kabilang ang paggamit ng teknolohiya sa online.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with