GCQ sa Metro Manila hanggang Disyembre
Bukod dito nagkaisa rin sila na i-adjust ang edad ng mga kabataan at senior citizens na papayagang makalabas ng bahay, mapaikli ang curfew hours habang itataas naman ang kapasidad sa papayagang dumalo ng misa sa mga simbahan.
The STAR/Miguel de Guzman, file
GCQ sa Metro Manila hanggang Disyembre
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Inirekomenda ng mga Alkalde

MANILA, Philippines — Nagkaisang inirekomenda ng 17 alkalde ng Metro Manila sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na manatili ang general community quarantine status sa NCR hanggang sa Disyembre o sa pagtatapos ng taon.

Bukod dito nagkaisa rin sila na i-adjust ang edad ng mga kabataan at senior citizens na papayagang makalabas ng bahay, mapaikli  ang curfew hours habang itataas naman  ang kapasidad sa papayagang dumalo ng misa sa mga simbahan.

Ito ang mga rekomendasyong ilalatag ng MMC sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious (IATF-EID )  para sa   National Capital Region (NCR)  habang nasa ilalim pa rin ng general community quarantine, ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Ge­neral Manager Jojo Garcia kahapon sa isang virtual press briefing.

Ang naging pulong ay naganap kamakalawa ng gabi na pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim.

Partikular na irerekomenda ang curfew hours  na gawing mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas- 4:00 ng madaling araw, maliban sa Navotas City na hindi aniya, babaguhin ang mula alas- 8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Ang edad na papayagang lumabas ay mula sa edad 18 hanggang 65 at hindi ang pinayagan ng IATF na mula 15-anyos.

Maging ang apela ng Simbahan na gawing 30 pors­yento ang kapasidad upang mabigyan ng pagkakataon na mas marami ang makadalo sa religious activity ay inirekomenda na rin ng Metro mayors..

 “These three major recommendations are dependent on the approval of the IATF,” ani Garcia.

Layunin aniya, ng pag-aadjust sa edad ng papayagang lumabas na mapalakas ang ekonomoiya at marami pa ang magbukas ng negosyo.

 Samantala, marami na ring ruta ng mga pampasaherong dyip ang bubuksan dahil sa mas matinding pangangailangan sa Metro Manila batay na rin sa naging suhestiyon ng Metro mayors sa naging pakikipagpulong naman kay Department of Transportation Secretary ­Arthur Tugade at Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inirerespeto ng Malacañang ang rekomendasyon ng MMC.

“We respect that po ‘no kasi nakikipag-usap naman po palagi ang mga IATF secreta­ries sa mga Metro Manila ma­yors in particular si Secretary Lopez is always engaged in dialogue with the Metro Manila mayors,” ani Roque.

Idinagdag ni Roque na maaari namang mas maluwag na GCQ ang ipatupad para sa mga business establishments.— Malou Escudero

 

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with