LRT-1 nagkaaberya, biyahe naantala
Nasumpungan na kahapon ang mas maraming pasahero sa LRT-1 sa Taft Avenue sa Maynila matapos dagdagan ng DOTr ang kapasidad ng pasahero sa lahat ng rail tren at iba pang pampublikong transportasyon.
Edd Gumban
LRT-1 nagkaaberya, biyahe naantala
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naantala ng mahigit 30-minuto ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon dahil sa isang nagkaaberyang tren sa area ng Quezon City.

Batay sa paabiso ng LRT-1, dakong alas- 9:24 ng umaga nang magpatupad ng 15 ki­lometer per hour na speed res­triction sa Balintawak Station.

Bunsod umano ito ng isang depektibong tren sa naturang istasyon.

Pagsapit naman ng alas- 9:31 ng umaga nang ianunsiyo ng LRT-1 na nagpatupad na sila ng stop for safety mula Balintawak hanggang Yamaha Monumento Station (NEP Area).

Dahil dito, naging limitado ang operasyon ng mga tren at ang biyahe ay mula lamang Baclaran hanggang Yamaha Monumento Station lamang at pabalik.

Kaagad namang inayos ng team ng LRT-1 ang problema at pagsapit ng alas- 9:57 ng umaga ay naibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

 

LRT-1
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with