âRolling meals on wheelsâ, inilarga ng NCRPO
Ang feeding program ay upang mapunan ang malnutrisyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng vitamins and iron fortified rich foods.
Miguel de Guzman/File
‘Rolling meals on wheels”, inilarga ng NCRPO
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naglunsad ng ‘ rolling meals on wheels ‘ ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa supplemental  feeding program sa mga estudyanteng undernourished .

Isa pa ito sa programang inisyatibo ni P/Major General Debold Sinas na tinawag niyang “Kalusugan Mo, Pangangalagaan Ko”.

Layunin ni Sinas na makatugon sa pagsusumikap ng gob­yerno na makatulong sa mga mamamayang mahihirap na apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya COVID-19.

Ang feeding program ay upang mapunan ang malnutrisyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng  vitamins and iron fortified rich foods.

Sinimulan ang proyekto sa Barangay 1 ng Caloocan City at Barangay Bagong Ilog, sa Pasig City noong Oktubre 16, 2020 sa pamimigay ng hot meals sa bahay-bahay.

 Nitong Linggo, ang Manila Police District Crime Laboratory personnel  at  iba pang presinto ay nagdaos din ng feeding program na “NCRPO’s Nutritious Meals on Wheels”  sa ilalim ng “Kalusugan Mo Pangangalagaan Ko”.

Kabilang sa ipinamahagi ang vitamins at mga gamot habang isinisilbi naman ang masustansiyang lugaw , nutri-pasta, nutri-oats chocolate, brown rice nutty fruity bar at  freshly-prepared chocolate milk drink.

 

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with