P2.5 milyong ecstasy nasabat
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P2.5 milyong halaga ng party drug na ecstasy ang nasabat ng pinagsanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ermita Police Station 5 sa ikinasang buy-bust operation sa Maynila kahapon  ng madaling araw.

Kabilang sa mga nadakip ang tatlong babae na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan at tatlong lalaki kabilang ang target ng buy-bust na si alyas Jaybee.

Sa inisyal na ulat, pasado ala-1 ng madaling araw nang ikasa ng mga tauhan ng pulisya at operatiba ng PDEA ang operasyon sa tapat ng isang bar sa may Remedios Circle.

Timbog ang mga suspek nang matagumpay na nakabili ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer. Nakumpiska sa kanila ang nasa 1,000 piraso ng tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

Itinanggi naman ng mga suspek ang mga paratang sa kanila at iginiit na nag-iinuman lamang sila.  Sinabi ng suspek na si Jaybee na water delivery at laundry ang kaniyang negosyo at hindi ilegal na droga.

Bukod sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002, kakasuhan din ang mga suspek sa paglabag sa quarantine protocols dahil sa ipinagbabawal pa ang anumang uri ng malakihang pagtitipon tulad ng mga party at pagbubukas ng mga bar habang umiiral pa ang ‘general community quarantine’ sa Metro Manila.

 

ECSTASY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with