Salpukan ng 2 motorsiklo: 1 patay, 2 sugatan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 24-anyos na motorcycle rider habang sugatan ang nakasagiang rider at angkas sa East Service Road, Sucat, Parañaque City, inulat kahapon.

Naisugod pa sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Mark Lith Macandog Bolo, residente Sun Valley Parañaque City subalit binawian din ito ng buhay makaraang magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa nasabi ring ospital ang nakasagian nitong si Roy Mercado Pujalte, 30, at angkas niya na si Princes Jean Ritual, 26 .

Alas-11:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa East Service, tapat ng Coffee Project Brgy., Sucat Muntinlupa City.

Nabatid na binabagtas ni Bolo ang East Service Road sa direksiyon ng south habang si Pujalte naman ay sa direksiyon ng north nang magkasagian sa kaliwang bahagi ng kanilang mga motorsiklo nang magsalubong.

Sa lakas ng impact ay nasira ang kanilang mga motorsiklo, at pare-pareho silang sugatan. Rumesponde naman ang ambulansiya ng Barangay Sucat kaya naisugod sila sa pagamutan, kung saan idineklarang patay si Bolo alas -7:58 ng gabi ng Oktubre 18.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with