Passenger capacity ng MRT-3, dadagdagan na  simula bukas
Sa abiso ng MRT-3 na inilabas kahapon, nabatid na mula sa dating 13% ay magiging 30% na ang maximum passenger capacity ng kanilang mga tren.
STAR/ File
Passenger capacity ng MRT-3, dadagdagan na simula bukas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

Mula sa 13% ginawang 30%

MANILA, Philippines  — Simula sa Lunes, Oktubre 19, ay mas marami ng pasahero ang maaaring isakay ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa abiso ng MRT-3 na inilabas kahapon, nabatid na mula sa dating 13% ay magiging 30% na ang maximum passenger capacity ng kanilang mga tren.

“In this light, the MRT-3 will increase its maximum passenger capacity from the current 13% (51 katao per train car, 153 passengers per train set,) to 30% (124 katao  per train car, 372 passengers per train set), starting on Monday, 19 October 2020,” anunsiyo ng MRT-3. “We will do this to help transport more people.”

Bilang karagdagan naman sa pagtaas ng train capacity, tiniyak din ng MRT-3 na mas marami na silang tren ang idedeploy sa mainline na ngayon ay umaabot na sa hanggang 22-tren , kaya’t magiging mas maikli na ang paghihintay ng mga pasahero para makasakay ng tren.

Inaasahan din namang mas bibilis ang travel time ng mga pasahero dahil ang kanilang train speed ay di­nagdagan na rin ng hanggang 40kph, mula sa da­ting 30kph lamang nitong Oktubre.

Pagsapit naman ng Nob­yembre ay mas mapapabilis pa ang speed ng mga tren ng hanggang 50kph at 60kph naman, pagsapit ng Dis­yembre.

“This is part of DOTr and MRT-3’s commitment to provide a more efficient and improved service to our passengers,” ayon pa kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati.

Tiniyak naman ni Capati na upang maiwasan ang posibleng hawahan ng virus sa loob ng mga tren ay patuloy pa rin nilang istriktong ipatutupad ang health at safety protocols na ipinaiiral ng pamahalaan.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face masks at face shields, pagbabawal sa pagsasalita at pagtawag o pagsagot sa telepono habang nasa loob ng tren, pagbabawal sa pagkain sa loob ng tren, pagtiyak na well-ventilated ang mga PUVs, pagsasagawa ng regular na disinfection, pagbabawal sa pagsakay ng mga pasahero na nagpapakita ng sintomas ng virus at pag-obserba sa physical distancing rule.

Nabatid na ang pagtataas ng passenger capacity ng MRT-3 ay alinsunod sa kautusan ni Pang. Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang mga Gabinete na aprubahan ang rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) upang matulungan ang economic recovery ng bansa, gayundin sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa DOTr railways sector na dagdagan pa ang maximum passenger capacity ng mga tren upang makapagsakay pa ng mas maraming pasahero.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with