Karpinterong nanunog ng may 75 kabahayan, arestado
Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Major Rosalino Ibay, hepe ng Special Mayors’ Reaction Team (SMaRT), dakong alas- 9:40 ng kahapon nang arestuhin sa pangunguna ni P/Major Cicero Pura ang akusadong si Rolando Viray, residente ng Lico St., Tondo, Maynila, sa loob ng barangay hall ng Brgy. 363, Zone 37, District 3, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong arson na inisyu ni Acting Presiding Judge Lily Joy A. Labayo-Patria, ng Manila Regional Trial Court, Branch 28.
STAR/ File
Karpinterong nanunog ng may 75 kabahayan, arestado
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Arestado kahapon ng umaga ang isang 57-anyos na karpintero na akusado sa panununog ng sariling bahay at pagkadamay ng mahigit 70 pang kabahayan noong Enero ng kasalukuyang taon, sa Lico, Tondo, Maynila.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Major Rosalino Ibay, hepe ng Special Mayors’ Reaction Team (SMaRT), dakong alas- 9:40 ng kahapon nang arestuhin sa pangunguna ni P/Major Cicero Pura ang akusadong si Rolando Viray, residente ng  Lico St., Tondo, Maynila, sa loob ng barangay hall ng Brgy.  363, Zone 37, District 3, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong arson na inisyu ni Acting Presiding Judge  Lily Joy A. Labayo-Patria, ng  Manila Regional Trial Court, Branch 28.

Matatandaang noong Enero 23 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay mismo ng akusadong si Viray nang dahil umano sa away sa kaniyang mga kapatid sa loob ng kanilang tahanan.

Bumili umano ng gas si Viray at isinaboy sa kanilang bahay at sinindihan bago tumakas.

Limang katao ang sugatan habang nasa 120 pamilya ang nawalan ng tahanan nang madamay ang 74 pang kabahayan.

Kamuntik na ring madamay ang Antonio Luna Elementary School.

TONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with