Pamamahagi ng libreng helmets bicycle riders, tuloy sa Quezon City
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines  — Patuloy na namamahagi ang Quezon City government ng libreng bicycle helmets na rekisitos sa mga  bicycle riders  na naglalakbay sa Quezon City para mapangalagaan ang kanilang kaligtasan habang nasa lansangan.

Ayon kay QC mayor Joy Belmonte patuloy silang mamamahagi ng libreng helmet bilang konsiderasyon sa mga bikers na wala pa nito.

“Ito’y bahagi ng tulong ng pamahalaang lungsod, lalo na doon sa mga walang kakayahang bumili ng helmet, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat na nagbibisikleta sa ating siyudad.”pahayag ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na bagama’t simula na nang implementasyon noong October 16  sa mandatory use ng helmet sa QC, may dalawang linggo pa na ibinigay sa mga riders upang ang mga ito ay makapag-comply sa Ordinance No. SP-2942 na nagtatakda ng parusa  sa mga bikers na walang helmet.

Sa ilalim ng ordinansa, ang bikers na makikitang walang helmet ay magmumulta ng P300 sa unang offense, P500 sa ikalawang paglabag at P1,000 sa 3rd offense.

Ayon kay Department of Public Order and Safety (DPOS) head Elmo San Diego, wawarningan lamang nila ngayon ang mahuhuling walang helmet at bibigyan ng kaalaman hinggil sa pagsusuot ng helmet at parusa sa hindi magsusuot nito.

May 5,000 piraso anya ng helmet ang kabuuang ibibigay sa mga bikers.Mahigit pa lamang sa 3,000 ang naipamamahagi ng DPOS.

Anya, sa November 1 nila sisimulan ang full implementation ng ordinansa o may huli na kapag nakitang walang suot na helmet ang mga bikers mula sa araw na ito.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with