Agarang pagpapatupad sa âone-seat apartâ rule sa PUVs, utos ng DOTr
Paglilinaw naman ng DOTr, ang pagpapatupad sa naturang panuntunan ay dapat na may kaakibat na mahigpit na pagtalima sa pitong commandments o ang mga health protocols na inirekomenda ng mga medical experts para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Edd Gumban
Agarang pagpapatupad sa ‘one-seat apart’ rule sa PUVs, utos ng DOTr
Angie dela Cruz, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Agarang ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagpapatupad sa ‘one-seat apart’ rule sa mga pampublikong sasakyan upang mas maraming pasaherong maisakay ang mga ito, sa gitna ng   COVID-19 pandemic.

Alinsunod na rin ito sa naging desisyon ng mga Gabinete at ng Inter Agency Task Force (IATF) na aprubahan ang rekomendasyon ng Economic Development Cluster (EDC).

Paglilinaw naman ng DOTr, ang pagpapatupad sa naturang panuntunan ay dapat na may kaakibat na mahigpit na pagtalima sa pitong commandments o ang mga health protocols na inirekomenda ng mga medical experts para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

“Alinsunod sa naging desisyon ng Gabinete at ng IATF na pag-apruba sa naging rekomendasyon ng Economic Development Cluster (EDC), agarang ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na agarang ipatupad sa mga pampublikong sasakyan, katulad ng mga jeepneys at buses and “one-seat apart” rule, abiso ng DOTr.

Maaari rin naman umanong payagan na rin ang pagtatabi ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan kung mayroon namang plastic barrier sa kanilang pagitan, o  mga UV lights upang ma-disinfect ang mga sasakyan.

Ayon pa sa DOTr, upang higit pang maipaliwanag ang bagong panuntunang ito ay maglalabas ng isang clarificatory memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Isasaad umano sa circular ang mga hakbang na maaaring gawin upang madagdagan ang kapasidad ng pampublikong sasak­yan, habang maiging sinisiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with