Molecular laboratory ng Quezon City , nakapasa sa DOH proficiency test
Ang proficiency test ng Quezon City Molecular Diagnostics Laboratory ay naipalabas kahapon ng DOH-Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at nakakuha ng perfect score na 100 percent matapos makakuha ng lahat ng accurate results mula sa limang samples na naberepika sa ginawang counter chec­king ng RITM.
STAR/ File
Molecular laboratory ng Quezon City , nakapasa sa DOH proficiency test
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines  — Maaari na ngayong magproseso ng CO­VID-19 test  ang Quezon City government-mole­cular laboratory sa loob lamang ng isang araw.

Ito ay makaraang makapasa na ang sari­ling QC molecular laboratory  sa proficiency test na itinakda para dito ng Department of Health (DOH).

Ang proficiency test ng Quezon City Molecular Diagnostics Laboratory ay naipalabas kahapon ng  DOH-Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at nakakuha ng perfect score na  100 percent matapos makakuha ng lahat ng accurate results mula sa limang samples na naberepika sa ginawang  counter chec­king  ng RITM.

Masaya namang tinanggap ni QC Mayor Joy Belmonte ang balitang ito dahil ang  molecular laboratory anya ay makakatulong ng malaki para higit na mapalawak ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa mga nakamamatay na virus tulad ng COVID..

“Through this laboratory, we can now process test results faster, thus allowing us to act quickly on the isolation and treatment of patients.Mas mabilis din tayong makakakilos pagda­ting sa contact tracing kaya maagapan natin ang pagkalat ng virus sa ­ating mga komunidad,” pahayag ni Belmonte.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Di­sease Surveillance Unit (CESU), ang mabilis na  turnaround time na naibibigay ng molecular laboratory ay malaking tulong sa community testing program ng QC.

Sinabi naman ni ­Joseph Juico, QC CO­VID-19 task force head na ang pag-apruba sa  molecular laboratory ay nangangahulugan ng bawas gatos ng lokal na pamahalaan at hindi na kailangang magbayad sa mga private hospitals at laboratories para sa pagsusuri.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with