Parke sa Quezon City , bubuksan na sa publiko
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines  — Matapos ang pitong buwan na pagsasara sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City  dahil sa banta ng COVID-19,  pinayagan na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na buksang muli ang parke sa publiko pero may limitasyon.

Sa ipinalabas na media advisory ng Wildlife Center and Management ng DENR, sa ngayon ang maaari pa lamang papasukin sa naturang parke ay ang mga gagawa ng private at commercial videos at photo shoot  pero susundin ang itinakdang health protocols.

Kabilang sa mga nakalinya na magsagawa ng video at photo shoot sa naturang parke ay ang aktibidad ng Super Model Philippines na gaganapin sa October 31.

Hindi pa naman maaaring pumasok sa Wildlife Center ang mga  walk-in visitors .

Ayon sa DENR , ang mga magsasagawa ng videos at photo shoot sa Wildlife Center ay kailangang kumuha ng schedule online o kaya ay maaring tumawag sa kanilang hotline sa 8924-6031 o  mag-email sa  NAWPC@BMB.GOV.PH.

Ang Ninoy Aquino parks and Wildlife Center na malapit sa QC Memorial Circle at Lung Center of the Philippines ay may lawak na 23 ektaryang lupain na kakikitaan ng  3,000 ibat -ibang uri ng puno at mahigit 30 uri ng wildlife animals.

DENR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with