4,820 pang traditional jeep pwede na bumiyahe sa Metro Manila
Ang hakbang ay nakasaad sa ipinalabas na Memorandum Circular 2020-058 na may petsang October 10 at nilagdaan ng LTFRB board sa pangunguna ni LTFRB chairman Martin Delgra.
STAR/File
4,820 pang traditional jeep pwede na bumiyahe sa Metro Manila
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2020 - 12:00am

44 bagong ruta binuksan ng LTFRB

MANILA, Philippines  — Binuksan na ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board  ang dagdag pa na  44  ruta  at pagpayag na rin sa may 4,820 traditional passenger jeepney na pumasada sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ang hakbang ay nakasaad sa ipinalabas na Memorandum Circular 2020-058 na may petsang  October 10 at nilagdaan ng LTFRB board sa pangunguna ni LTFRB chairman Martin Delgra.

Bunga nito, iniulat ng LTFRB na may  27,016 traditional PUJs na ngayon ang nakapapasada  sa  302 ruta sa Metro Manila mula nang ­ipatupad ang general community quarantine sa NCR noong Hunyo.

Ang hakbang ay bilang tugon na rin sa panawagan sa LTFRB na magdagdag ito ng mas maraming bilang ng mga pampasaherong sasakyan dahil sa rami ng commuters pero iilan lamang ang maaaring makasakay dahil sa ipinaiiral na 50 percent sitting capa­city lamang ang pinapayagang sakay ng mga  mga pampasaherong sasakyan alinsunod sa ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan.

Gayunman, ang kabuuang bilang ng mga pinayagang pumasadang traditional jeep ay malayo pa sa 74,000 traditional jeepneys ka­yat marami pa ring mga drivers at operators ang wala pa ring pinagkukunan ng ikinabubuhay para sa kanilang mga pamilya.

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with