^

Sawa nasabat sa NAIA

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang buhay na sawa ang nakita ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang lugar ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.

Sinabi ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan,  ang ahas ay nakatago sa isang rattan basket sa bodega ng isang  courier service warehouse sa NAIA Complex at minali ang deklarasyon  bilang  “mga wood curtains, parol at rattan basket.”Ipinadala ito ng isang alyas J. Fernandez ng Sampaloc, Maynila at patungo sa New York.

Natagpuan ng Customs Examiner ang python habang isinasagawa ang isang pisikal na pagsusuri matapos ang pangyayari ay ibinalik ito ng bureau sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi rin ng BOC na pinuri ng US Fish and Wildlife Service ang bureau dahil sa pagkakasabat sa buhay na sawa.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with