Mas maiksing curfew sa Metro Manila ikinokonsidera
Ayon kay IATF Vice Chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagtatakda sa mga manggagawa na mag­report ng magkakatulad na oras ay maaring magpahirap sa social distancing dahil sa “rush hour”.
The STAR/Miguel de Guzman, file
Mas maiksing curfew sa Metro Manila ikinokonsidera
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2020 - 12:00am

Magsisimula ng 1am

MANILA, Philippines — Payag ang Inter-Agency Task Force on Management and Emerging infectious Diseases (IATF) na iksian ang oras ng curfew sa Metro Manila at ipatupad ang work shifts para magkaroon pa rin ng physical distancing.

Ayon kay IATF Vice Chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagtatakda sa mga manggagawa na mag­report ng magkakatulad na oras ay maaring magpahirap sa social distancing dahil sa “rush hour”.

Habang ang staggered work shift naman ay maaaring hindi maipatupad kung maaga ang curfew hours kaya para maipatupad ito ay iksian ang curfew na mula sa dating 9 pm ay maaring gawing 1am.

Tatanungin din umano nila ang Metro Manila mayors kung payag sa ganitong alituntunin, bagama’t tama naman ang mga alkalde na magpatupad ng curfew para ma­disiplina at maipatupad ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Karaniwang nagsisimula ang curfew sa ilang lugar sa Metro Manila ng 10 ng gabi at nagtatapos ng 5 ng umaga.

Sa kabila nito, sinabi pa ni Nograles na dapat ipagpatuloy pa rin ng mga negosyante ang set up na work from home habang ang mga mall at groceries ay dapat na payagan sa mas mahabang oras para may mabilhan ang mga manggagawa ng kanilang mga kailangan.

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with