62 lumabag sa lockdown protocol dinampot
Sa ulat ng Malate Police Station 9, inumpisahan ang operasyon dakong alas-6 ng madaling araw nitong Sabado hanggang alas-6 ng madaling araw kahapon ng Linggo sa pamumuno ni PLtCol Robert Sales, station commander.
Edd Gumban, file
62 lumabag sa lockdown protocol dinampot
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 62 na mga pasaway ang winalis ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga kalsada ng Malate at Delpan sa Maynila dahil sa patuloy na pagsuway sa protocols sa ilalim ng ‘general community qua­rantine’ sa magdamag na operasyon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Malate Police Station 9, inumpisahan ang operasyon dakong alas-6 ng madaling araw nitong Sabado hanggang alas-6 ng madaling araw kahapon ng Linggo sa pamumuno ni PLtCol Robert Sales, station commander.

Umabot sa 55 ang nadakip dahil sa hindi pagsusuot ng face mask habang nasa labas ng bahay. May edad na 18 ang pinakabata sa dinampot at 66 naman ang pinakamatanda habang siyam sa kanila ay pawang mga tricycle at pedicab driver.

Natiyempuhan din sa naturang operasyon ang wanted na si Reynante Jacinto, 50, ng Maginhawa St., Malate na nahaharap sa kasong Child Abuse at may warrant of arrest mula sa Manila Regional Trial Court Branch 48.

Nahulihan naman ng limang plastic sachet ng shabu ang mga suspek na sina Ronnie Valdez, 51 at Terresa Rausa, 27, nang isailalim sila sa physical search ng mga pulis.

Mula alas-8 ng gabi naman nagsimula ng operasyon ang Delpan Police Station 12 sa may Isla Pu­ting Bato na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na lalaki na natiyempuhang walang suot na face mask.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa ordinansa at kasong kriminal laban sa mga inaresto sa Manila City Prosecutor’s Office.

LOCKDOWN QUARANTINE VIOLATORS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with