Quezon City may sarili ng molecular laboratory
Oras na maipalabas ang final accreditation na ibibigay ng DOH, ang molecular laboratory ay maaari nang magamit para sa proseso ng samples. Ito ay may kakayahan na magproseso ng mula 600 hanggang 1,000 samples sa isang araw at malalaman ang resulta sa loob lamang ng isa hanggang dalawang araw.
Release/Chinese Embassy in Manila
Quezon City may sarili ng molecular laboratory
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2020 - 12:00am

Paglaban sa COVID-19 lalo pang lalakas

QUEZON CITY, Philippines — Higit pang lalakas ang kampanya ng Quezon City  laban sa COVID-19 dahil sa sariling molecular laboratory  na nasa  Barangay Teachers Village East sa lungsod.

Ayon sa QC Health Department, nakapagsumite na sila ngayon ng proficiency test sa Department of Health (DOH)  para sa  final accreditation.

Oras na maipalabas ang final accreditation na ibibigay ng  DOH, ang  molecular laboratory ay maaari nang magamit para sa proseso ng  samples. Ito ay may kakayahan na magproseso ng mula 600 hanggang 1,000 samples sa isang araw at malalaman ang resulta  sa loob lamang ng isa hanggang dalawang araw.

“Ngayong may sarili na tayong molecular laboratory, mas mabilis na nating makukuha ang resulta ng mga samples. Dahil mabilis na ang labas ng resulta, mas maagapan na ang ating pagkilos upang hindi na kumalat pa ang virus sa mga komunidad,”  pahayag ni  Mayor Joy Belmonte.

Ang  molecular laboratory  ay nasa three-storey building na may lugar din para sa  data encoding, conference rooms at sleeping quarters ng 20 tauhan na itatalaga sa city health department para pangasiwaan ang pasilidad.

Pinasalamatan din ni Belmonte ang  city government’s private partners -- major sponsor Megaworld, at iba pang donors tulad ng Ayala Foundation, Boysen at Solaire para maitayo ang  molecular laboratory.

“Kung hindi sa tulong ng ating mga katuwang sa pribadong sektor, mananatiling pangarap na lang itong molecular laboratory,”  dagdag ni  Belmonte.

Ayon kay Joseph Juico, QC COVID-19 task force head, ang  molecular laboratory ay kinokonsederang isang  long-term valuable investment para sa QC at maaari ring magamit para makilatis ang iba pang  infectious diseases at para sa  research purposes.

“The laboratory has the ability to identify and process other di­seases such as human immunodeficiency virus (HIV), hepatitis, cancer, and tuberculosis, among others,” dagdag ni  Juico.

Ang molecular laboratory  ay may malaking tulong para mabawasan ang gastusin ng lokal na pamahalaan sa pagbabayad ng private hospitals at laboratories  para sa pagsusuri.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with