Libreng flu shots ng Quezon City government sa senior frontliners
Patuloy naman ang pag-iikot ng mga city health workers sa iba’t ibang komunidad sa QC para magkaloob ng libreng flu shots at pneumonia vaccines sa mga senior citizens.
The STAR/Michael Varcas, file
Libreng flu shots ng Quezon City government sa senior frontliners
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaloob ang Que­zon City government ng libreng  flu at pneumonia vaccines sa senior essential workers sa lungsod upang pangalagaan ang kanilang kalusugan sa banta ng COVID-19.

Ang bawat elderly na kabilang sa authorized person outside residence (APOR) mula sa 142 barangays ng QC ay binibigyan ng lib­reng flu o pneumonia shots.

“Gusto nating bigyan ng karagdagang proteksyon ang ating mga nakatatandang frontliner kasi matuturing silang high-risk sa covid. We want to boost their immune system against covid by giving them flu and pneumonia shots,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Isa si  Cecilia Morales, 73-anyos na staff sa tanggapan sa Violence Against Women and Children sa Bara-ngay Payatas ang naki­nabang  sa programang ito ng lokal na pamahalaan.

“Nagpapasalamat kami kasi nabigyan kami ng vaccine. Marami pa po kayong matutulungan na tulad kong senior citizen na,” sabi ni Morales.

Patuloy naman ang pag-iikot ng mga city health workers sa iba’t ibang komunidad sa QC para magkaloob ng libreng flu shots at pneumonia vaccines sa mga senior citizens.

Mula January  hanggang  August  2020,  may kabuuang  9,250 seniors ang tumanggap ng pneumococcal shots mula sa QC Health Department habang  7,690 ang nabigyan ng flu vaccines.

“We are ramping up our vaccination efforts because we want to protect our senior citizens from the threat of COVID-19, considering that they are high-risk of contracting the virus,” dagdag ni Mayor Belmonte.

 

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with